Kilala sa publiko. Hindi man naging perpekto ang

Kilala
din sa tawag na Eddie Ramos. Ipinanganak noong Marso 18, 1928 sa Lingayen.
Kilala sa larangan ng militar. Tinaguriang isa sa mga mahuhusay na lider, hindi
lang sa larangang militar kundi maging ng bansa. Siya ang ika-labindalawang
pangulo ng bansa.

            Taong 1992 ng mahalal si dating
Pangulong Fidel Ramos bilang ika-labindalawang pangulo ng bansa. Hindi naging
madali para kay Ramos na pangasiwaan ang napakalaking responsibilidad na
ipinasa sa kanya ng dating pangulong Corazon Aquino. Minana n’ya ang bansang
may malaking kakulangan sa pananalapi, wasak na pamahalaan, na nagbunga pa ng
samu’t saring suliranin. Kilala ang administrasyong Ramos bilang admnistrasyon
ng pagbabago. Matapang n’yang ipinaglaban ang kanyang mga adhikain. Nanindigan
s’ya sa kabila ng samu’t saring opisisyon na dumating hindi lamang sa kapwa mga
nanunungkulan kundi maging sa publiko. Hindi man naging perpekto ang kanyang
pamamalakad subalit, ito’y nagdulot ng malaking pagbabago. Ilan sa mga naiwan
nyang marka sa bansa sa panahon ng kanyang pamumuno ay aking tatalakayin sa
papel na ito.

We Will Write a Custom Essay Specifically
For You For Only $13.90/page!


order now

 

 

1.         De-monopolization
sa larangan ng Telekomunikasyon.

75%
ng mga pilipino ng sa panahon ng pamunuan ni Ramos ang naghihintay na makabitan
ng telepono. Ang PLDT o Philippine Long Distance Telephone company ang may ari
ng 90% na linya ng telepono ng panahong ito. Ang PLDT ay hawak ng kilalang
pamilya, ang Cojuangco na malaki ang koneksyon hindi lamang sa politika kundi
maging sa media.

Ayon
sa mga ulat, walang kahit isa na kayang tumapat sa PLDT kaya imbis na
pag-igihin ang serbisyo sa publiko, mas hinigpitan nila ang pagbabantay sa
kanilang shares. Isang bagay na hindi nagustuhan ni Ramos. Gumawa si Ramos ng
mga hakbang upang mabago ang ganitong pamamalakad na nagdulot naman ng malaking
pagbabago sa PLDT. Napalitan ang mga nanunungkulan, at nagtagumpay ang
pamahalaan na gawing bukas ang kumpanya sa investments. Ang resulta ng
pagbabagong ito ay naging hayag labing limang taon matapos ang mga ginawang
reporma.

Ilan
sa mga bunga ay ang mga sumusunod,

(i)                
pagtaas ng access sa telekomunikasyon sa
pag-usbong din ng cellphones

(ii)              
Paglakas ng kumpetisyon at

(iii)            
pagbubukas ng maraming trabaho na may
kinalaman sa telekomunikasyon.

Sa
katunayan, taong 2003 ng maitala ang Pilipinas na higit sa bansang Tsina,
Indones, Vietnam, at India sa larangan ng telekomunikasyon.

 

 

 

2.         Pagtanggal
ng mga Regulasyon sa Langis

Isa
sa mga pinagkukunang yaman ng bansa ang langis. Nakita ito ng dating pangulo
bilang kapakipakinabang na yaman ng bansa at may malaking gagampanan sa
pag-angat ng ekonomiya at makabangon sa kakulangan sa pananalapi. Ninais n’ya
na alisin ang mga regulasyon na naipatupad ng dating pamahalaan at palitan ito
katulad ng pagtaas ng presyo at iba pa. Nagdulot ito ng pangmalawakang
pagtuligsa, higit sa larangan ng transportasyon na nagbunga ng strike sa iba’t
ibang panig ng bansa, partikular sa Maynila. Malaki ang oposisyon na kinaharap
ng adhikaing ito hindi lamang sa pamahalaan kundi higit sa taong bayan. Sa
katunayan 1993 ng pasimulaan ang pagpapalawig ng impormasyon sa publiko upang
kumbinsihin sila na umayon sa pagbabago sa usaping langis. Ngunit hindi ito
tinanggap ng publiko.

Abril
1996 ng pahintulutan ang pagtaas ng presyo ng langis sa loob ng labingwalong
buwan subalit agad ding ipinawalang bisa bilang tugon sa mga petisyon na
ipinasa ng kongreso. Nobyemre 1997 ng mapawalang bisa ito. Subalit mas naging
malakas ang paninindigan ni Ramos kaya naman, Pebrero 1998 ng lagdaan niya ang
Downstream Oil Industry Deregulation Law.

Naging
hayag ang mga pagbabago, kabilang na dito ang

(i)                            
pagdami ng mga sektor na pumasok sa
industriya ng langis na nagpataas ng kumpetisyon

(ii)                          
mababang pamumulitika sa langis at

(iii)                        
paghahanap o pagdiskubre ng ibang
pinagkukunang langis o alternatibo katulad ng biofuels.

 

3.         Pagsasapribado
ng Pamamalakad sa Tubig

Nang
umupo si Ramos sa pwesto. Laganap ang suliranin na dulot ng kakulangan sa
tubig. Nararanasan ng iba’t ibang bahagi ng bansa na mawalan ng tubig at ang
iba ay wala talagang suplay. Marumi ang tubig sa ibang parte ng bansa na
nagdulot pa ng ibang suliranin higit sa usaping pangkalusugan katulad ng kolera
na nakukuha sa kontaminadong tubig.

Hawak
ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang pamamahala noon.
Dahil nga sa kakulangan at suliranin na dulot nito, ninais ng dating pangulo na
gawing pribado ang pamamahala dito upang hikayatin ang pribadong sektor na
makibahagi. Hunyo 1995 ng hikayatin ng pangulo ang mga legislator na pumayag sa
Water Crisis Act upang magkaroon s’ya ng kapangyarihan na malayang pangasiwaan
at lagyang pondo ang mga hakbang upang masulosyunan ang nasabing problema sa
tubig.

Hinayaan
ni Ramos ang International Finance Corporation o (IFC) na pangasiwaan ang
pagsasapribado ng pamamalakad sa tubig. Naging matagumpay ang pagsasapribado na
nagbunga ng

(i)                
mas lumawak ang lugar na naabot ng
suplay,

(ii)              
nabawasan ang pondo na nilalaan ng
gobyerno para sa suporta sa MWSS

KONKLUSYON

Ilan
lamang ang mga ito sa naging ambag ng administrasyong Ramos, ang administrasyon
ng pagbabago. At katulad din ng ibang pamumuno, ang administrasyong Ramos ay
kinakitaan din ng kahinaan. Subalit hindi maitatanggi na nag-iwan sila ng
malaking ambag sa pagbangon at pagbabago ng bansa.